TV

Rodjun Cruz is back on the dance floor via Sunday All Stars


Hindi lamang ang My Husband's Lover ang pinagkaabalahan ni Rodjun Cruz nitong mga nakaraang buwan. Naging bahagi na rin siya ng Sunday All Stars, kung saan member siya ng InstaGang. In a recent visit to the set of the hit primetime series, GMANetwork.com caught up with Rodjun where he talked about playing the role of Martin and being one of the newest additions to Sunday All Stars.

"Actually nagulat ako. Sinabi ng manager ko na kinukuha ako na mag-guest sa My Husband's Lover. Ang alam ko nga parang appearance lang. Sabi ko sa manager ko, 'Sige, bakit hindi? Alam natin na number one show 'yan'. Isang karangalan 'yun na naisip nila na maipasok ako para sa character na Martin," shares Rodjun.

Biglaan din daw ang pagkuha sa kanya, kaya aminado ang young actor na hindi siya masyadong prepared when the cameras started rolling. "Hindi na ako nakapagtanong-tanong. Hindi na ako nakapag-practice kung ano ba 'yung dapat kong gawin. Tiwala naman ako na magaling 'yung director na matuturuan naman ako kung ano 'yung dapat kong gawin. Nung tinanggap ko 'yun siguro mga two days after nag-taping na agad ako."

Naikuwento rin ni Rodjun ang muli niyang pagsabak sa pagsayaw ngayong kasama na siya sa Sunday All Stars. He says that dancing has always been his passion, and he is very grateful for the chance to show his skills once again.

"Sobrang na-miss ko 'yun eh kasi simula bata ako ganun 'yung ginagawa ko. Matagal na rin akong hindi nakakasayaw, kumabaga passion ko rin 'yung pagsayaw, kumanta, mag-perform sa harap ng tao. Nakakatuwa na napagsasabay ko 'yung pag-act ko sa My Husband's Lover at 'yung sayaw at kanta sa Sunday All Stars. Ang dami ngang blessings ngayon kaya talagang thankful ako," he explains.

Naging madali rin daw para sa kanya na maging malapit sa mga katrabaho niya sa Sunday All Stars. "Nung una nga nahihiya ako kasi parang sabi ko, 'Uy, ibang mundo 'to. Hindi ko kilala ang mga tao'. Pero 'yung mga tao sa Sunday All Stars sobrang down-to-earth lahat. Lahat bumabati agad. Alam nila na guest ako pero lahat nag-hi at hello so mabilis ka rin magiging comfortable sa kanila."

Ngayong naging busy na si Rodjun, may oras pa kaya siya for rest and relaxation? "Dati kasi kapag wala akong work, madalas akong mag-gym, mag-Muay Thai, mag-basketball kasama 'yung mga kapatid ko. Ngayon medyo natigil muna sa pag-gym pero kapag may time, kasi kailangan ko i-maintain ang body ko. Mas okay na 'yung ganito kaysa nakatambay lang ako at walang ginagawa. At least kahit everyday ako may ginagawa, trabaho naman and ito talaga ang gusto kong gawin."

Abangan si Rodjun Cruz sa My Husband's Lover, gabi-gabi sa GMA Telebabad, at sa Sunday All Stars, only here on GMA. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com