TV

WATCH: Alden Richards at Maine Mendoza, may kilig message sa isa't isa

By BEA RODRIGUEZ


Pinainit ng tambalan ng phenomenal love team nina Pambansang Bae Alden Richards at Eat Bulaga darling Maine Mendoza ang makulay na Panagbenga Festival sa Baguio City kahapon (February 26).

Sa Starbuzz segment ng Sunday PinaSaya, nagbigay ng kani-kanilang mensahe ang dalawa sa isa’t isa na labis na ikinakilig ng buong Sunshine Park ng “Summer Capital of the Philippines.”

Ayon sa Kapuso actor, malaking adjustment ang ginawa ng kanyang ka-love team para bumida sa kanilang first-ever Primetime soap na Destined to be Yours na magpe-premiere na worldwide mamaya ng 8:30 p.m.

“Thankful ako na nabigyan tayo ng opportunity na makagawa ng soap para may maihandog tayong bago sa lahat ng sumusuporta sa atin, sa lahat ng nagmamahal sa atin, and excited na akong mapanood nila,” ani ng leading man ng soap.

Pinapahalagahan ni Alden ang effort ng kanyang leading lady, “Alam ko ‘yung effort nating dalawa, and lalo ka na, ‘yung effort na binigay mo para makapag-adjust dito sa show na hindi madali kasi first time mo nga nag-show so ‘yung pagod [at] ‘yung puyat [ay malaking factor] pero ginawa mo pa din para sa Destined to be Yours so thank you.”

Madamdamin ang naging mensahe ng lead aktor kaya sinuklian ito ni Maine ng, “Siyempre, ako naman nagpapasalamat din ako sa iyo kasi isa ka sa mga tumutulong sa akin doon.”

Bagong experience ito para sa young actress pero niyakap niya ang proyektong ito para sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

Hirit ni Maine kay Alden, “Tulad nga ng sabi mo na ang dami kong kailangan gawing adjustments pero napapadali sa akin ‘yung work kasi masaya kayong kasama doon lahat kaya thank you. Salamat.”


MORE ON 'SUNDAY PINASAYA':

WATCH: Wally Bayola, inalipusta ang acting ni Janice de Belen sa ‘Destined to be Yours?’ 

WATCH: Maine Mendoza, naniniwalang destined sila ni Alden Richards? 

READ: Did Alden Richards and Maine Mendoza confirm their relationship status in ‘Sunday PinaSaya?’