TV

WATCH: Coach Cynthia, hindi kumbinsido sa acting ni Manang Loleng!

By Bea Rodriguez

“Sobrang kulang!” ang bulalas ni Coach Cynthia sa acting ni Manang Loleng sa kanyang School of Overacting workshop.

 

Hindi kumbinsido ang taklesang coach sa acting ng kilalang beteranang kontrabida na ngayon ay well-loved yaya sa highest rating afternoon prime soap na Ika-6 na Utos.

Nagkunwari si Coach Cynthia na siya si Georgia, ang mortal na kaaway ni Manang Loleng ngunit hindi raw talaga kapani-paniwala ang pagganap ng magaling na aktres sa eksena.

May itinurong bagong estilo ang overacting coach sa Kapuso star na si Odette Khan upang tuluyang matalbugan si Georgia sa serye. Nakuha kaya ito ni Manang Loleng?