TV

MUST-WATCH: Alessandra De Rossi, uma-acting habang kumakain ng palabok!

By Bea Rodriguez

Tiyak na mabubusog ka sa acting challenge ni Coach Cynthia! Kakaiba ang hamon ng acting coach kay Kita Kita star Alessandra De Rossi sa Coach Cynthia’s Over Acting Academy sa Sunday PinaSaya kahapon (July 30).

No wonder na hit ang pelikula ng magaling na aktres dahil sa kanyang natural na pag-deliver ng kanyang mga lines bilang si Lea, isang bulag na Pinay tour guide sa Japan.

Ngunit, hindi kumbinsido si Coach Cynthia sa acting na ipinakita ni Alex na “masyadong simple.”

“’Pag ganitong mga live, gaya ng ginagawa natin sa show, dapat ang ginagawa natin [ay] mas interesting. Dapat lagyan natin ng konting palabok,” dagdag niya, “Sa isang eksena, kitang-kita ko may subo kang noodles kaya iyon ang challenge for the day.”

 

Sa demonstration ni Coach Cynthia sa kanyang workshop, kitang-kita na hirap na hirap siya sa kanyang pakulo sa magaling na aktres. Dahil walang karate-arte si Alex, napasubo siya ng palabok habang sinasabi ang kanyang mga linya mula sa pelikula.

Puri ng coach, “Iyon talaga ang gusto ko sa iyo, very professional [and] very good.”