TV

Marian Rivera, naging emosyonal sa kanyang birthday sa 'Sunday PinaSaya'

By Bea Rodriguez

 

Hindi naiwasan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na maiyak sa kanyang birthday celebration kanina (Aug. 13)  sa Sunday PinaSaya.

Naging emosyonal ang Kapuso star matapos mapanood ang birthday greetings ng kanyang mga tinutulungang advocacies.

Ayon sa kanyang mga kasamahan sa show na sina Jose Manalo at Aiai Delas Alas ay marami nang natulungan ang aktres.

Kusa itong binalik ni Marian sa kanyang pamilya, kaibigan, kasamahan sa showbiz, mga tagasuporta na nagmamahal sa kanya.

“Siyempre, gusto ko magpasalamat, una sa lahat sa pamilya ko, kay Mama ko, kay Lola ko at siyempre, higit lalo kay Dong at sa anak ko kasi sila talaga ‘yung lakas ko. Alam ko hindi ako perpektong tao pero gagawin ko lahat para maging mabuting ina, mabuting asawa, higit lalo, mabuting anak, so thank you.”

“Gusto ko din magpasalamat sa Triple A family ko kasi sila ‘yung naglabas ng higit sa kung ano'ng kaya kong gawin. Salamat sa pagtitiwala, lalo na kay Mr. Tuviera, kay Coach, kay Ateng Rams, maraming salamat inyo.”

“Of course, palagi kong sinasabi, wala ako sa punto ng buhay ko ngayon kung wala kayong nagmamahal sa akin. Isa ito sa mapagmamalaki ko talaga simula Marimar days [na] never akong iniwan ng mga ito ano man ang mangyari sa buhay ko, alam kong palagi kayong nandiyan [para] sa akin. Sa mga fans ko, isa kayo sa sasabihin ko na ugat ng lahat at tinuturing ko kayong isa sa pamilya ko talaga na kung wala kayo, huwag na lang akong mag-artista. Maraming salamat!”

“GMA Network, marami pong salamat! Sa pamilya ko sa Sunday PinaSaya, sa harap at sa likod ng kamera, salamat sa pagmamahal!”