TV

WATCH: Glaiza de Castro at 'Contessa' stars, bibida sa 'Sunday PinaSaya!'

By Bea Rodriguez

Makiki-jamming si Contessa leading lady Glaiza de Castro sa 'Showna Ni Dugong: Ang Pa-concert ng Pangulo' sa Sunday PinaSaya ngayong Linggo (March 18) kasama sina President Juterte (Jose Manalo), General Ibato (Wally Bayola), Hairy Roque (Joey Paras).

Sasamahan naman ng Contessa stars na sina Lauren Young Phytos Ramirez at Jak Roberto si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa “The Budots Show.” Ano’ng budots dance naman kaya ang kanilang ipapakita?

Bago natin panoorin ang mga bida sa GMA Afternoon Prime sa Lunes (March 19), samahan natin sila sa numero unong Sunday noontime habit sa bansa, ang Sunday PinaSaya!