TV

WATCH: Marian Rivera, inagawan ng asawa ni Gladys Guevarra sa 'Sunday PinaSaya?'

By Bea Rodriguez

Ikakasal na sina Hadouken (Jose Manalo) at Pining (Marian Rivera) ngunit may dumating na umaangkin sa mapapangasawa ng dalaga.

Nagalit si Pining kay Jinnalyn Mercado (Gladys Guevarra) dahil tinatawag na Rambo ang kanyang fiancé, “Chechenelasin ko iyan ang pagmumukha mo! Pati ang asawa ko!” 

Huminahon si Pining at sinabing, “Parang imposible kasi ang sinasabi mo eh. Alam mo na ang mukha ni Buko eh mga ganyang klase pero marami ang ganung mukha. Pantay-pantay. Baka nagkakamali ka lang.”

Hindi raw maaari  magkamali si Jinnalyn kahit matagal silang nagkalayo ng kanyang asawa. Kuwento  niya, “Naalala ko lang, limang taon nang lumipas habang masaya kami namamasyal sa Luneta. ‘Di ko malilimutan na sabay naming pinapanood ang napakagandang paglubog ng araw. Mga sandaling iyon habang nakaupo kami sa batuhan sa dalampasigan ng Maynila.”

May sorpresa umano ang kanyang asawa sa kanya ngunit hindi ito nasabi dahil malakas na alon ang humampas sa kanila. Kinabukasan nang nagising si Jinnalyn ay wala na ang kanyang Rambo.

Ipinakita pa niya ang ilang mga litrato nila ng kanyang asawa—noong sinagot niya ng “Oo” hanggang humantong sa kasalan, pati nang nanuod sila ng Miss Gay pageant.
 
Iisa lang ba talaga ang Hadouken ni Pining at ang Rambo ni Jinnalyn? Balikan ang Kainan sa Papaitan ng Sunday PinaSaya.