TV

WATCH: Ruru Madrid, hinubaran sa 'Sunday PinaSaya!'

By Bea Rodriguez


Nahuli ng karakter ni Lovely Abella ang panloloko ng kanyang boyfriend na si Robin (Ruru Madrid) nang makita itong may kasamang babae (Valeen Montenegro) sa labas ng café.

Nagpakilala bilang girlfriend si Lovely at inakala naman ni Valeen ay walang jowa si Robin. Napag-alaman ng girls ang panloloko sa kanila ni Robin kaya nagkagulo na.

Inaway nila ang manlolokong lalaki hanggang sa mahubaran ito sa publiko. Marami ang naka-video sa eskandalo. Mag-viral kaya sa Internet ang panloloko ni Robin?