TV

WATCH: Marian Rivera, napaluha sa kanyang birthday celebration sa 'Sunday PinaSaya'

By Bea Rodriguez

Sunod-sunod ang birthday celebrations ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Kahapon (August 12), nagdiwang si Yan-Yan ng kanyang 34th birthday kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa Sunday PinaSaya.

“Ang dami kong gustong pasalamatan, siyempre 'yung pamilya na ito [at] ang pamilya ko. Salamat sa lahat ng fans na nagmamahal na walang sawa,” paunang sinabi ng Kapuso star nang sorpresahin siya ng kanyang co-stars sa gitna ng kanyang segment na 'Kainan sa Papaitan.'

Hindi napigilan ng aktres na mapaluha, “Mas meaningful 'yung buhay ko ngayong may birthday ako. Basta, happy ako na marami akong napapaligayang tao kasi palagi kong sinasabi na isa sa inyo, hindi magiging mahalaga ang buhay kung hindi kayo nakaka-touch ng tao at 'di n'yo nae-extend 'yung tulong sa ibang tao [sa] maliit o malaking pamamaraan.”


Nakibahagi rin sa selebrasyon ang Smile Train family ni Yan Yan kaya lalo siyang naging emosyonal sa kanyang kaarawan, “Kapag may tao kang napaligaya katulad ng Smile Train, hindi matutumbasan ng kahit ano'ng [materyal na bagay] ang mga batang naayos ang bibig para makapag-aral at mabigyan ng kumpiyansa sa sarili nila.

“Thank you, Lord, for giving me this life na maging bahagi ng Smile Train at habang nabubuhay ako, hindi ako titigil sa pagsuporta sa inyo,” pagtatapos ni Mrs. Dantes na sinorpresa rin ng kanyang asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.