TV

Sunday PinaSaya: Jerald Napoles, tinuhog sina Jennylyn Mercado at Julie Anne San Jose

By Bea Rodriguez

Gwapo ka, Bimby?

Ipinagsabay ni Bimby (Jerald Napoles) ang dalawang magagandang dilag na sina Pia (Jennylyn Mercado) at Margie (Julie Anne San Jose).

Magkakilala ang dalawang babae, pero hindi nila alam na iisa ang lalaking iniibig nila. Nang magkrus ang landas ng tatlo sa Hong Kong, napag-alaman nina Pia at Margie na two-timer at manloloko si Bimby.

Panoorin ang pagkakabuko nina Pia at Margie kay Bimby sa video na ito ng Sunday Pinasaya: