TV

Angelu de Leon at Bobby Andrews, nagbigay ng throwback kilig sa 'Sunday PinaSaya'

By Bianca Geli

Nagbigay ng kilig sina Angelu de Leon at Bobby Andrews nang mag-guest ang dating magka-loveteam sa Sunday PinaSaya.

Nakilala sina Angelu at Bobby bilang Peachy at Wacks sa teen-oriented program noong 90s' na T.G.I.S.

Nang mapadpad sina Wacks (Bobby Andrews) at Peachy (Angelu de Leon) sa MariMars del Barrio ng Kanta Serye Presents: My Teleserye Romance, sa kanila humingi ng love advice ang mga taga-barrio kung paano magkakaayos at magkaka-developan ang paborito nilang mag-kasintahan na sina MariMars (Barbie Forteza) at Sergio (Kim Last).

Panoorin: