TV

Marian Rivera, pinag-usapan ang pagbabalik sa 'Sunday PinaSaya'

By Maine Aquino

Muling nagbabalik ang Kapuso Primetime Queen sa programang Sunday PinaSaya.

Matapos ang kanyang maternity leave, tuluyan nang bumalik si Marian Rivera sa Sunday noontime show. At sa kanyang pagbabalik, pinag-usapan sa social media ang kanyang look at fun performance.


Si Marian ay pansamantalang nagpaalam sa Sunday PinaSaya upang isilang ang kanyang pangalawang anak na si Ziggy noong April 16.