TV

WATCH: Simula na ng klase ni 'Super Ma'am' ngayong Lunes sa GMA Telebabad!

By Bea Rodriguez

Back to school na sa Lunes!

Makikilala na ninyo ang mga estudyante na pasimuno sa kalokohan, ang kikay na seatmate, ang genius ng klase, si kuya na laging maasahan, si sir cutie, ang masungit na principal at ang best teacher ng paaralan.

Pinangungunahan ito ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang si Ms. Minerva Henerala. Makakabanggaan niya rito ang Vice Principal ng eskwelahan na si Jessica na bibigyang buhay ni Meg Imperial ngunit to the rescue ang janitor friend ni Minerva na si Esteban (Jerald Napoles).

Tampok rin sa soap ang kuwentong pag-iibigan nina Ash Ortega at Enrico Cuenca bilang sina Kristy at Sir Jake.

Accelerated naman sa Grade 10 ang role ni Kapuso tween star Jillian Ward bilang si Michelle Ombrero na makakasama ang mga pasaway na mga estudyante na sina Eric (Vincent Magbanua) at Onin (Ralph Noriega).

Walang a-absent sa klase ng good teacher na, fantastic pa na si Super Ma’am ngayong Lunes, sa GMA Telebabad!

Tags:
super maam