TV

WATCH: Mabubuhay pa ba si Minerva?

By Bea Rodriguez

Sa paghaharap ni Teacher Minerva at ng makamandag na Tamawo, hindi nakaiwas ang magiting nating guro mula sa kagat ng halimaw. 

Isa lang sa kanila ang pwedeng mabuhay pagsapit ng hating gabi. Sino kaya sa dalawa ang sisikatan pa ng araw?

Matira ang matibay sa bagong action-fantasy series ng GMA, ang Super Ma’am, gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.