TV

DepEd Secretary Leonor 'Liling' Magtolis Briones, aprobado ang 'Super Ma'am'

By Gia Allana Soriano


Currently airing ang bagong GMA action-fantasy drama series ng Kapuso Primetime Queen, ang Super Ma'am. Si Marian Rivera ay gumaganap bilang isang guro, si Teacher Minerva, na nagdo-double life bilang Tamawo slayer.

Ang isa sa mga video featuring the cast na ikinukuwento ang mga natutunan nila sa kanilang mga guro bilang pagpupugay sa mga ito noong Teacher's Day ay naka-share naman sa Facebook page ni DepEd Secretary Leonor "Liling" Magtolis Briones.


Talaga namang hindi lang nakakatuwa panoorin ang adventures ni Super Ma'am. Very kid-friendly at marami pang matututunan ang viewers sa panonood ng nasabing show.