GMA Logo Tadhana, Reunion
What's on TV

Elle Villanueva and Faye Lorenzo seek revenge in 'Tadhana: Reunion Finale'

By Bianca Geli
Published June 9, 2023 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana, Reunion


Grand reunion o revenge ang haharapin nina Elle Villanueva at Faye Lorenzo sa 'Tadhana: Reunion the Finale.'

Sa Tadhana: Renuion the Finale, isang dalagang inaapi-api noon, successful businesswoman na ngayon. Mga taong nang-api sa kanya noon, babalikan niya upang patawarin o kaya paghigantian?

Sa pagbabalik ni Rebecca (Elle Villanueva), isa lang ang nais niyang makamit -- ang pagbagsak ni Diane (Faye Lorenzo) na siyang nagpahirap at sumira sa kanyang pamilya noon.

Lihim na bibilhin ni Rebecca ang naluluging negosyo nina Diane at makukuha rin ni Rebecca ang isang ebidensyang susi para makamit ang hustisya sa pumanaw niyang ina.

Makamit na kaya ni Rebecca ang hinahangad na paghihiganti at hustisya?

O muling makakatakas si Diane sa mga kasalanang ginawa niya noon?

Huwag palalampasin ang Tadhana: Reunion the Finale, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

CHECK OUT LGBTQIA+ TIKTOK STAR DIOR VENERACION'S HUMBLE SHOWBIZ JOURNEY: