TV

Dingdong Dantes on directing Marian Rivera's 'Tadhana' episode: 'I saw a different kind of Marian'

By Gia Allana Soriano

Sa press conference para sa Amazing Earth, naikuwento ni Dingdong Dantes ang recent project niya with wife Marian Rivera, ang pag-direct sa Tadhana episode kung saan bumida ang aktres, 

 

Aniya, "Nagkakilala kami ni Marian bilang artista, so alam ko 'yung kanyang kapasidad niya bilang isang aktres, na magmula noon talaga, sobrang kahanga-hanga na."

Nung una ay iniwasan ng aktor na maging director-actress tandem silang dalawa. Paliwanag niya, "Ibang usapan 'yun syempre 'pag ako na 'yung magdi-direct sa kanya. Syempre, all along, gusto ko manatili sa akin 'yung impression na nagagalingan [ako sa kanya] bilang artista as a co-actor. And, syempre, space niya 'yun, eh. Ayoko naman siya [sabihan] kung paano niya gusto gawin 'yung isang bagay na magaling siya."

Pero kahit ganun ay tinangap pa rin niya ang offer ng Tadhana. Saad niya, "Pero nung nagkaroon ng opportunity para sa Tadhana na ipapalabas on June 23, 'yung takot ko at pag-iiwas ko na i-direct siya ay naging opportunity because I saw a different kind of actress, a different kind of Marian."

Ika pa niya, "[Kaya pala] mahal na mahal siya ng past directors niya. Kaya pala talaga mahal na mahal siya ng mga co-actors and co-actresses niya, lalo na ng mga producers niya, dahil sa kanyang dedication sa ginagawa [niya.] Nakikita ko talaga, mula sa preparation, hanggang sa execution sa pag-arte, and mas na-appreciate ko siya. Kasi syempre sa bahay iba naman 'yung usapan namin doon. Pero nakita ko siya in action noong ginawa namin 'yun[g episode] and mas na-appreciate ko siya bilang isang artista, mas na-appreciate ko siya bilang tao, bilang nanay. Kasi ganun siya ka-seryoso sa kanyang ginagawa."