
Umabot na ng mahigit isang milyong Facebook views ang Tadhana episode ng mag-asawang Lily (Angelu de Leon) at Emil (Bobby Andrews) na subsob sa trabaho sa Canada para lamang
makauwi sa Pilipinas.
Tulad ng maraming Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bansa, wala silang ibang nais kung hindi ang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak.
Pero kahit anong kayod nila, hindi pa rin ito sapat. Kaya naman si Emil, na-engganyong mag-invest ng pera sa kanilang kaibigan.
Nang alukin sila ng investment ng isang kaibigan, nagtiwala ang dalawa, sa pagaakalang makakatulong ito sa kinabukasan nila.
Ngunit ang ipinundar nilang pera na nilagay sa isang investment, ilulustay lang pala ng kaibigan nila.
Panoorin ang Tadhana: Paguwi:
Chynna Ortaleza at Bianca Umali, magkapatid na magkaaway sa 'Tadhana'
Tadhana: Amang OFW na nagtiis ng 15 taon sa ibang bansa, itinakwil ng mga anak