What's on TV

Luis Hontiveros, nag-react sa trending scenes niya

By Marah Ruiz
Published July 13, 2026 9:26 PM PHT
Updated July 14, 2026 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

French parliament backs social media ban for children under 15
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Luis Hontiveros


Alamin ang reaksyon ni Luis Hontiveros sa mga trending scene niya sa 'Taskforce Firewall.'

Trending ang mga eksena ni Kapuso actor Luis Hontiveros sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Gumaganap siya dito bilang Martin, agent sa major crimes team.

Asawa siya ni Isa (Kylie Padilla) na hepe naman ng cybercrime team. May affair din siya kay Leila (Cheska Fausto), na miyembro ng team ni Isa.

Mainit ang mga eksena ng karakter niyang si Martin at karakter ni Cheska na si Leila na kinaaaliwan at pinaggigigilan ng mga manonood.


"Kasi ibang bakbakan nga 'yun si Martin. Mahilig si Martin makipagbakbakan. Hindi lang sa barilan, pati sa putukan, mahusay si Martin. Dalawa dalawa nga eh," natatawang reaksiyon ni Luis.

Malaki naman ang pasasalamat niya dahil mataas ang ratings ng kanilang serye, at mainit din ang naging pagtanggap sa kanila online.

"Thank you kasi ang taas ng engagement namin. Gigil pa kayo. Gigigilin pa kayo ni Martin, wait lang kayo," aniya.

Ipinangako niyang mas gaganda pa ang kuwento ng serye sa susunod na mga episodes. nito.

"Marami pang bakbakan na kailangan abangan. Marami pang mga drama, marami pang conflict. Basta hindi kayo magasawa, hindi tayo mauubusan," lahad ni Luis.

Patuloy na panoorin si Luis Hontiveros sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.