TV

TBATS: Boobay and Tekla, ginulat ang reporters sa media conference

By Cherry Sun

Tila bumaligtad ang mundo sa media conference ng The Boobay and Tekla Show.

Boobay and Tekla

Sina Boobay at Tekla kasi ang nagtanong sa entertainment reporters sa naganap na media conference ng kanilang programa kamakailan.

Nagulat ang ilang press members nang sila ang humarap sa mga nakaiintrigang tanong mula sa fun-tastic duo.

Masagot kaya nila with all honesty kung sino sa mga artista ang pinakagalante, ang madalas na laman ng blind item, ang ayaw nilang makaaway, at kung ano ang dapat ipaayos sa mukha nina Boobay at Tekla?


Hindi na kayo mabibitin sa good vibes dahil simula ngayong Linggo, January 27, mapapanood na ang The Boobay and Tekla Show sa TV pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tuluy-tuloy pa rin ang laugh trip dahil mapapanood pa rin ang TBATS sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Huwebes, 5 P.M.