TV

Isang masahista, naipit sa away nina Gladys Reyes at Boobay

By Cherry Sun

May Kapuso Primetime Queen na, may Primera Kontrabida pa! Bongga talaga ang nakaraang episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Na-feature ang nakatutuwang kuwento nina Boobay at Tekla bilang dalawang inang nangungulila sa anak sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Ikinuwento ni Jessica kung paano nag-agawan ang dalawang ginang na parehong nagsasabing tunay na ina raw ni Marian Rivera.

Nakisali rin sa 'Pranking in Tandem' segment ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes.

Halu-halong emosyon naman ng tawanan at kaba ang naramdaman ng audience at lalo na ang masahistang si Alvie. Si Alvie kasi ang naging biktima ng prank nina Boobay at Gladys.

May appointment si Gladys na magpamasahe kay Alvie pero sumingit sa schedule si Boobay.

Ano na lang kaya ang mangyayari kung maipit siya sa away ng dalawang artista?

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show!

Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho at sa GMANetwork.com/TBATS!