TV

Rhian Ramos, nambiktima ng delivery boy sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Hinuli ni Rhian Ramos ang kiliti ng isang delivery boy nang makisaya siya sa 'Pranking in Tandem' segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong Linggo, August 16.

Simula palang ay hindi na maitago ang pagka-tense ng delivery boy na si Aris. Kung ano-ano kasing kaharutan at kalokohan ang ibinubulong nina Boobay at Tekla na gawin ni Rhian.

Panoorin:

Samantala, kuhang-kuha rin ng The Boobay and Tekla Show ang kiliti ng mga manood sa segment na 'Mr. and Ms. Katawang TBATS.'

Maliban sa nagseseksihang katawan ng contestants, nagpakitang-gilas din sila sa pagsagot ng mga kakaibang tanong na tatak nina Boobay at Tekla. Napanood din sa parehong segment sina Clint Bondad at Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann.

Panoorin:

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!