TV

Rhian Ramos, mangbibiktima ng delivery boy sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Sasabak si Rhian Ramos sa kalokohan kasama nina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, August 16.

Si Rhian ang makakasama ng fun-tastic duo sa 'Pranking in Tandem' segment. Bibiktimahin niya sa panggu-good time ang isang delivery boy.

Samantala, papainitin din nina Boobay at Tekla ang tag-ulan sa kanilang gagawing search para sa 'Mr. and Ms. Katawang TBATS.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, August 16, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!