TV

Ivan Dorschner, Migo Adecer at Gil Cuerva, hindi inatrasan ang naughty questions nina Boobay at Tekla | Ep. 11

By Cherry Sun

Mapa-lalaki o mapa-babae, napakagat-labi sa panonood ng The Boobay and Tekla Show nitong Linggo, April 7. Game na game kasing sumagot sina Ivan Dorschner, Migo Adecer at Gil Cuerva sa 'Feeling the Blank' segment ng Kapuso comedy program.

Ivan Dorschner, Migo Adecer at Gil Cuerva

Hindi nagpaawat sina Ivan, Migo at Gil sa pagharap sa naughty questions nina Boobay at Tekla. Kaya naman, hindi rin mapigil ang kilig at hiyawan ng studio audience sa nakakaintrigang usapan.

Samantala, naloka muli ang audience sa 'Pranking in Tandem' segment kasama si Rocco Nacino. Sa harap kasi ng yaya applicant na biktima ng prank ay nagbihis ang Kapuso actor at nagkuwento tungkol sa kanyang very interesting love life.

Mga bata naman ang ginulo nina Boobay at Tekla sa kanilang Man-on-the-Street segment. Pero sino kaya ang mas makulit, ang fun-tastic duo o ang grade school students?

Patuloy rin ang kulitan ng dalawa sa 'Dear Boobay and Tekla.'

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!