TV

Dennis Trillo, makiki-TBATS kina Boobay at Tekla ngayong Linggo 

By Cherry Sun

Paniguradong buhay na buhay ang inyong Pasko ng Pagkabuhay ngayong Linggo, April 21, dahil si Dennis Trillo ang makiki-TBATS kina Boobay at Tekla.

Si Dennis ang special guest sa April 21 episode ng The Boobay and Tekla Show.

Ang award-winning actor ang uupo sa hot seat para sagutin ang mga juicy questions ng fun-tastic duo sa 'Feeling the Blank' segment.

Siya rin ang makikigulo sa 'Pranking in Tandem' segment kung saan paniniwalain niya ang maraming studio audience na siya ang host ng isang bagong digital cooking show.

At dahil guest si Dennis, magpapabida sina Boobay at Tekla sa pag-reenact ng pinagbidahan nitong hit drama series na My Husband's Lover.

Dadalhin din nina Boobay at Tekla ang kulitan sa isang popular summer destination kung saan gagawin nila ang mini game show na 'Utakan: Paramihan ng Alam.'

Hindi rin maiiwan sa kasiyahan ang studio audience dahil patuloy pa rin ang pagbabasa ng fun-tastic duo ng mga nakakalokang letters sa 'Dear Boobay and Tekla' segment.

Walang tigil talaga ang laugh trip kasama ang ating fun-tastic duo! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 21, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!