TV

Jessica Soho, napanood sa 'The Boobay and Tekla Show?' | Ep. 15

By Cherry Sun

Isang kuwento tungkol sa Fishball Bae ang sinundan sa May 5 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Dito, nakilala natin si Kaye M. Jeyes, ang impersonator ng Kapuso Mo, Jessica Soho host na si Jessica Soho.

Tunog at pananalita palang, convincing nang si Jessica Soho mismo ang nagbabalita tungkol sa fishball vendor na si Vince Araya.

Bakit nag-viral ang fishball bae at ano ang misteryong bumabalot sa kanyang kuwento?

Kung muntik ka nang makumbinsi ng impersonator ni Jessica Soho, siguradong may naloko rin si Glaiza de Castro!

Siya kasi ang kakuntsaba nina Boobay at Tekla sa “Pranking in Tandem” segment ng TBATS.

Nagpanggap ang aktres na matagal nang tattoo artist kaya kampanteng namili pa ng design ang biktimang si Justin.

After their session, ibang-iba ang kinalabasan ng kanyang tattoo.

Mas nakakagulat pa nang may dumating at inireklamo ang tattoo na gawa ni Glaiza. Paano na?

Nagbabalik din ang “Mr. & Ms. Katawang TBATS World 2019!”

Ang candidates galing pang Italy, America, Nigeria, India, Persia, at Turkey.

Habang ang naging judges naman ay sina Juancho Trivino at Miss Eco International 2018 Thia Thomalla.

Sasakit din ang tiyan niyo sa mga tanong at sagot sa funny Q&A portion ng “Mr. & Ms. Katawang TBATS World 2019.”

Sino kaya sa ating six contestants ang nanalo?

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show!

Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!

Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!