TV

Maine Mendoza, makikisaya sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Cherry Sun, Cara Emmeline Garcia

Paniguradong makukuha ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) ang boto n'yo dahil kumpirmadong kasama sa paghatid ng laugh trip ang Box Office Queen na si Maine Mendoza ngayong Linggo, April 5.

Magiging kakuntsaba nina Boobay at Tekla si Maine sa 'Pranking in Tandem.' Ano kaya ang mangyayari kung ang Phenomenal Star ang bibiktima sa ilang artista hopefuls?

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, kabilang sa dream guests nina Boobay at Tekla sa TBATS

Sina Jeric Gonzales at David Licauco naman ang maiipit sa nakaka-intrigang tanong sa 'Feeling the Blank.' Ano kaya ang sagot ng dalawang Kapuso hunks kung tanungin sila ng “Sino sa mga kaibigan mong Kapuso actors ang pumatol na sa ____________?”

Sure na panalo rin ang viewers sa pagpapatuloy ng funny segments na 'Dear Boobay and Tekla' at 'TBATS on the Street,' at pati na sa pagbibidahang parody segment nina Boobay at Tekla na 'Till Death Do Us Part.'

Tuloy-tuloy talaga ang laugh trip kasama ang ating fun-tastic duo! Tutok na sa mas pinaagang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 5, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!