TV

EXCLUSIVE: Gabbi Garcia, nag-enjoy sa kanyang pranking experience sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Uulit pa raw si Gabbi Garcia kung magbigyang muli ng pagkakataon mang-prank dahil talagang nag-enjoy ang Kapuso actress sa kanyang pag-guest sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).


WATCH: Gabbi Garcia pranks a national Muay Thai athlete | Ep. 17

Isang professional Muay Thai athlete ang naging biktima ni Gabbi sa 'Pranking in Tandem' segment ng TBATS noong Linggo, May 19. Kahit mahilig daw siyang magbiro sa kanyang mga kaibigan, ibang challenge daw pag ginagawa na ito sa isang programa.

Aniya, “That was intense! It was my first time ever pranking, like a serious prank. Usually kasi sa friends lang but this one talaga it's really serious kasi for TV siya. It was really fun. I was so excited to do it. Medyo nakakakaba rin pala siya 'cause kailangan tatantiyahin mo 'yung victim mo.

“Kailangan tatantiya ka kung paano siya gumalaw, kung paano siya mag-isip. Very fun, very exciting. Kung tuloy-tuloy ka sa pag-follow ng instructions [nina Boobay at Tekla] mahahalata talaga. Kailangan may serious moments. Very fun, I'd love to do it again,” pagtatapos niya.