TV

Andrea Torres at Derek Ramsay, papainitin ang Sunday night sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Mas mag-iinit ang panahon ngayong Sunday night, June 28 dahil makikisaya sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) sina Andrea Torres at Derek Ramsay.

Derek Ramsay at Andrea Torres

Ipapakita nina Andrea at Derek ang kanilang naughty side sa pagsagot ng controversial questions sa 'Feeling the Blank' segment.

Sila rin ang manggu-good time sa aspiring actors sa 'Pranking in Tandem.' Ano kaya ang mangyayari sa mga biktima sa kanilang pag-audition para sa isang Kapuso series?

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody, mapapanood ang kuwento ng dalawang broken-hearted millennials na niloko ng kanilang two-timing exes.

Nagbabalik din ang Mash-up Queen na si Ate Gay para sa nakakatawang segment ng 'Dear Boobay and Tekla.' Samantala, bag raid naman ng mga makakasalubong sa kalsada ang gagawin ng fun-tasitic duo sa 'TBATS on the Street.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, June 28, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!