TV

Alden Richards, Heart Evangelista, ibang Kapuso stars sinagot ang mga intriga sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Sumalang sa hot seat sina Alden Richards, Heart Evangelista, Derek Ramsay, Andrea Torres at ibang Kapuso stars nang intrigahin sila nina Boobay at Tekla sa 'Feeling the Blank' segment sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Hindi nakaligtas ang Kapuso stars sa mga controversial at daring questions ng fun-tastic duo.

Totoo bang nakakapayat ang ginagawa ni Alden Richards araw-araw tuwing umaga?

Ano ang naging reaksyon ni Heart Evangelista nang unang besesniyang makita ang dalawang _____ ng asawang si Chiz Escudero?

Pinaamin din nina Boobay at Tekla sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa kanilang nagawa na bilang bagong couple. Tinanong din nila sina Rocco Nacino, Rodjun Cruz at Kristoffer Martin kung saan ang pinaka-weird na lugar kung saan ginawa ng mga aktor ang isang bagay.

Tinanong din si EA Guzman kung napipigilan niyang gawin ang isang bagay kapag silang dalawa lang ni Shaira Diaz ang magkasama? At kung ano ang napapadalas gawin ni Jason Abalos kapag kasama ang girlfriend na si Vickie Rushton.

Handa na ba kayo ma-windang? Watch this:

IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians