TV

Derek Ramsay at Andrea Torres, maraming inamin sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Maraming inamin sina Derek Ramsay at Andrea Torres nang sagutin nila ang mga nakaka-intrigang tanong sa June 28 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Naging diretsahan ang pagsagot nina Derek at Andrea nang sila ay ma-hot seat sa 'Feeling the Blank' segment ng TBATS. Sa lahat ng kanilang pagsagot, pinakamalakas ang naging hiyawan nang aminin ni Derek na may paborito siyang titigan kay Andrea.

Sina Derek at Andrea rin ang nang-good time sa 'Pranking in Tandem' segment. Nagpa-audition ang dalawang Kapuso stars para sa isang controversial Kapuso drama.

Nambiktima rin sina Boobay at Tekla ng ilang Kapuso artists at mga walang kamuwang-muwang na mga tao sa ginawa nilang bag raid sa 'TBATS on the Street.' Ano-ano kaya ang mga nakita nilang nagpawindang sa kanila?

Tampok naman sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody ang epic love story ng kambal na ginampanan nina Boobay at Tekla. Walang kaso kung hati sila sa iisang boyfriend pero magiging complicated ang situation nang sabay rin silang mabuntis. Sundan ang kuwento nina Paulina at Pamela.

Nagbalik din ang Mash-Up Queen na si Ate Gay para tulungan ang fun-tastic duo sa pagbigay ng advice sa 'Dear Boobay and Tekla.'

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!