TV

Aiko Melendez at Gelli de Belen, maha-hot seat sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Ang best friends na sina Aiko Melendez at Gelli de Belen ang special guests sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, May 31.

Aiko Melendez at Gelli de Belen

Sina Aiko at Gelli ang uupo sa hot seat para sumagot ng controversial at naughty questions sa 'Feeling the Blank.' Sanib-puwersa rin ang magkaibigan sa panggu-good time ng isang barbero sa 'Pranking in Tandem' segment.

Kuwentong sanib din ang tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody sa pagganap nina Boobay at Tekla sa viral but fake exorcism videos.

Mapapanood din ngayong Linggo ang 'TBATS on the Street' at ang 'Dear Boobay and Tekla' kung saan susubukang tapatan ng fun-tastic duo ang isang professional beatboxer.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, May 31, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!