TV

Maureen Larrazzabal, nagpanggap na sinaniban ng masamang elemento sa 'TBATS' | Ep. 58

By Cherry Sun

Isang magtatawas ang biniktima ni Maureen Larrazabal sa 'Pranking in Tandem' segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, March 29.

Sa 'Pranking in Tandem' segment, nagpanggap si Maureen na sinaniban ng masamang element. Magtagumpay kaya siya sa panggu-good time sa isang albularyo?

)

Samantala, tatlong nanay na may edad na ang pinatunayang may asim pa sila sa 'Mama Asim 2020' contest na pinauso ng TBATS. Nagpatalbugan sa ganda at alindog sina Lilybeth Coronel ng Quezon City, Nena Saludes ng Sampaloc, Quezon, at Arlene Nadal ng Quezon City.

Nagpagalingan din sila sa pagsagot sa Q&A portion na pinangunahan nina Boobay at Tekla. Sino kaya sa tatlong 'Mama Asim' contestants ang nag-uwi ng korona?

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo!