TV

Marian Rivera, natagpuan ang tunay na mga magulang sa 'TBATS?'

By Cherry Sun

Si Marian Rivera ang bumida sa mala-Kapuso Mo, Jessica Soho reunion na napanood sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, August 2.

Sa naturang episode, tampok ang kuwento ng dalawang inang nag-aagawan sa diumano'y nawawala nilang anak. Gumanap sina Boobay at Tekla bilang ang dalawang ginang habang si Marian naman ang babaeng matagal na raw nilang hinahanap.

Pero ano kaya ang mangyayari kung sabihin ng doktor na parehong sina Boobay at Tekla ang tunay na magulang ni Marian?

Panoorin ang kabuuan ng video sa itaas.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!