TV

Kyline Alcantara, magpapakita ng kulit sa gagawing prank sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Ipapakita ni Kyline Alcantara ang kanyang kakulitan bilang kasabwat sa 'Pranking in Tandem' segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Si Kyline ang makakasama nina Boobay at Tekla sa panggu-good time. Ang mga biktima ng Kapuso star, dalawang talents na makakasama niya kunwari sa isang eksena.

Maghahatid din ng katatawanan ang fun-tastic duo sa segments na 'Humanap Ka ng Puppet,' 'TBATS on the Street,' at 'Dear Boobay and Tekla.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, January 17, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!