TV

Boobay at Tekla, balik-taping na para sa fresh episodes ng 'TBATS'

By Cherry Sun

Balik-taping na ang The Boobay and Tekla Show!

Nasa studio na muli sina Boobay at Tekla upang mag-shoot ng bagong episodes ng high-rating na Kapuso comedy program.

Ipinasilip ng fun-tastic duo ang kanilang unang araw ng pagbabalik-trabaho simula nang pairalin ang enhanced community quarantine.

Ibinahagi ni Boobay ang kanyang selfie kung saan makikitang ready na siya para sa kanilang taping.

Aniya, “This is it!!! #TBATS Yahooooo!!!”


Samantala, nag-live naman sa Facebook si Tekla at ipinakita ang kanyang preparations behind the scenes.

Kahit may pandemic, tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na at abangan ang fresh episodes ng The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!