TV

Mark Bautista, inamin kung sinong aktor ang gustong maka-kissing scene?

By Cherry Sun

Mas pinainit ang kulitan at intrighan sa new The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong new normal! Pinatunayan 'yan nang ma-hot seat si Mark Bautista sa 'Modified Enhanced Feeling The Blank' segment nitong Linggo, September 13.

Si Mark ang naging buena manong guest nina Boobay at Tekla sa pagbabalik-taping ng TBATS para sa bago nitong kalokohan, pranks at jokes.

Kung dati ay may ipinapakitang mga litrato ang fun-tastic duo sa kanilang guest sa 'Feeling The Blank,' ngayong new normal ay diretsahang pupunan ng kasagutan ng celebrity ang controversial statement.

Sinong celebrity ang gustong sabihan ni Mark ng kanyang kantang “I Need You?” Sinong celebrity ang ayaw niyang maging boyfriend kung naging babae siya? At sinong aktor ang gusto niyang makaeksena sa isang kissing scene? Alamin sa video sa itaas!

Nitong Linggo, napanood din ang new segments sa new normal ng TBATS, ang 'Pasikatain Natin 'To!' at 'Boobay and Tekla Presents.'

Hindi napigilan ng fun-tastic duo na matawa at magkomento sa mga napanood nilang TikTok videos sa 'Pasikatin Natin 'To!' Imbitasyon din nila na maaari kayong magpadala ng inyong funny videos sa dearTBATS@gmail.com.

Kung napakamot kayo ng ulo at napahalakhak sa 'Pasikatin Natin 'To!,' siguradong kikiligin at matatawa naman kayo sa 'Dear Boobay and Tekla Presents' kung saan gumanap sina Mark at Boobay bilang sina Malakas at Maganda.

Muli ring napanood sa TBATS ang paboritong 'Dear Boobay and Tekla.' Maliban sa pagbigay-payo ng fun-tastic duo sa kanilang letter senders, nakasama din nila si Jose Mari Chan! How true? Silipin dito:

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.