TV

It's a prank: Jason Abalos at Vickie Rushton, na-'TBATS!'

By Cherry Sun

Aminadong kinabahan si Vickie Rushton nang masaksihan ang nangyaring pikunan sa pagitan nina Boobay at Tekla. Ang beauty queen at ang kanyang nobyong si Jason Abalos kasi ang special guests sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, September 20.

Sina Jason at Vickie ang naging biktima nina Boobay at Tekla sa pranking segment na 'Na-TBATS Ka.'

Ipinakita ng fun-tastic duo ang kanilang kapilyuhan habang nagte-taping para sa 'Tape Mo, Mukha Mo,' isang compatibility test para sa kanilang bisitang celebrity couple.

Naantala ang taping nang biglang tumawid si Tekla at dito nagsimula ang kunwaring away ng dalawang hosts. Mapapansing poised pa rin si Vickie at tahimik si Jason habang nakikiramdam sa palitan ng maaanghang na salita ng fun-tastic duo.

At matapos ang ilang minuto ng sigawan ay ipinaalam na rin nilang prank victim si Vickie at kakuntsaba naman si Jason.

Kuwento ng beaty queen, “Akala ko hindi lang siya (Tekla) aware na nagte-tape na. Tapos nung nag-away na, hindi ako sanay sa confrontations kasi kaya medyo parang tumahimik muna ako. Tapos noong medyo may nase-sense na ako na, 'Bakit ayaw nilang mag-stop? Ayaw nila… kahit anong sabi sa kanila na 'Tama na, may bisita. Nakakahiya sa bisita,' parang tuloy-tuloy pa din. So humarap ako sa kanya. Sabi ko, 'Prank ba 'to?'”

“Noong sinabi naman niya (Jason) na hindi, 'Hala, bakit ayaw nilang tumigil? Ano'ng gagawin ko?' Hindi ko alam kung 'Tama na,' o papasok ba ako or hindi ako sasali. Kasi hindi ko alam kung saan ilulugar 'yung sarili ko.'”

Panoorin ang buong eksena ng 'Tape Mo, Mukha Mo' at 'Na-TBATS Ka' sa video sa itaas o i-click ang link na ito.

Kung kunwari lang na nagkainitan ang fun-tastic duo sa naunang segments, totoo namang nasubok ang tiwala nina Boobay at Tekla sa isa't isa sa 'The Boxxx.'

Sa bagong segment na ito, pinahulaan nila sa kanilang co-host ang mystery objects na nasa loob ng iba't ibang kahon. Makumbinsi kaya nina Boobay at Tekla ang isa't isa? Sino ang mananalo at sino ang tatanggap ng parusa?

Panoorin:

Kahit na may handog na new segments ang fun-tastic duo, tuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng advice sa paboritong 'Dear Boobay and Tekla.' Ang mga nais din sumulat sa TBATS ay pwedeng magpadala sa dearTBATS@gmail.com.

Panoorin:

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.