TV

Barbie Forteza, nilinaw ang romantic involvement kina Ruru Madrid, Andre Paras

By Cherry Sun

Ilang rebelasyon ang binitawan ni Barbie Forteza tungkol sa kanyang past at present love life nang magpa-presscon siya sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, Janaury 24.

Hindi nakaligtas sa hot seat si Barbie nang sumalang siya sa "May Pa-PressCon" ng Kapuso comedy show.

Sa naturang segment, nilinaw niya ang kanyang ginawang pambabasted kay Ruru Madrid noon at ang kanyang pagkakagusto kay Andre Paras.

Napanood daw ni Barbie ang guest appearance ni Ruru sa TBATS kaya't nais daw niyang depensahan ang kanyang sarili sa ginawa niyang pagtanggi sa aktor.

Aniya, “Lilinawin ko lang po, kaya po nung time na 'yung ay nabasted ko po ang kinauukulan ay dahil kagagaling ko lang po sa very painful relationship and so, ayaw ko naman siyang gawing rebound.

"'Yung alam mo 'yun, gusto ko siyang i-entertain sana kung 'yung tapos na ako mag-move on, 'yung okay na ako, ready na ako, wala na akong hinanakit, ganyan.

“Kaya lang kasi hindi naman niya pinursue. Noong binasted ko siya, 'yun na 'yun. Wala na.”

Kung siya ang umayaw kay Ruru noon, tila nakaramdam naman ng rejection si Barbie sa kanyang isa pang leading man na si Andre.

Ang aktres kasi ang nagkagusto sa anak ni Benjie Paras ngunit hindi naman daw ito nanligaw.

Pag-amin niya, “Crush ko siya noon. So feeling ko, na-karma ako sa pagkaka-basted ko kay Ruru. Kaya noong may nagustuhan na akong guy, hindi naman ako gusto.”

Nakasama ni Barbie si Ruru sa dating telefantasya, ang Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa (2012). Samantala, naging magkatambal naman sina Barbie at Andre sa dating primetime series na That's My Amboy (2016).

Maliban sa pagkuwento tungkol sa kanyang nakaraan, nagbahagi rin si Barbie tungkol sa relasyon nila ni Jak Roberto.

Nang tanungin ang aktres kung si Jak na ba ang kanyang pakakasalan ay walang pag-aalinlangan niyang sinagot ito ng “Yes.”

Ikinuwento rin ni Barbie kung ano ang meron kay Jak na wala sa iba niyang nakarelasyon, kung ilang anak ang gusto niya, kung sino ang kanyang pagseselosan, at pati na ang kanyang dream wedding.

Panoorin ang buong rebelasyon ni Barbie sa video sa itaas. Kung hindi ito mag-load nang maayos, maari itong mapanood DITO.

Samantala, si Barbie rin ang nakasama ng fun-tastic duo at The Mema Squad, na binubuo nina Skelly Clarkson, Jessa Chichirita, Boobsie Wonderland at Pepita Curtis sa dalawa pang segments, ang "Don't English Me" at "Roleta ng Kadramahan."

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show!

Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapus Mo, Jessica Soho.

Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: (