TV

Ruru Madrid, may mensahe para kay Bianca Umali

By Cherry Sun

Hindi nakaligtas sa pang-iintrigra si Ruru Madrid nang mag-guest ang Kapuso actor sa November 15 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Si Ruru ang nakasama nina Boobay at Tekla sa segments na 'Roleta ng Kadramahan' at 'Feeling the Blank.'

Sa unang segment, nagpakitang-gilas si Ruru ng kanyang acting skills kasama ang fun-tastic duo at ang The Mema Squad na binubuo nina Atak, Jelai Andres, Skelly Clarkson, Jessa Chichirita at Pepita Curtis.

Sa simula palang ay pinagtulungan na nila si Ruru nang ipasuot kay Boobay ang maskara ng rumored girlfriend ng aktor na si Bianca Umali.

Tuluy-tuloy ang panunukso nila sa kanya sa "Feeling the Blank" segment, kung saan tinanong nila si Ruru kung kaninong celebrity siya nabasted, sinong celebrity ang pinagselosan ni Bianca, at iba pang naughty questions.

Sa huli ay hiningan din nila ang aktor ng mensahe para sa kanyang fellow Kapuso star na nali-link sa kanya.

Pahayag ni Ruru, "She's very talented. Sobrang ganda, as in sobra. Sobra, sobra. Napakabait.

"Nakikita ko rin na mahal niya 'yung pamilya niya.

"And I know lahat ng pinapangarap niya sa buhay mararating niya 'yun kasi sobrang down to earth niyang tao at sobrang passionate siya sa craft niya.

“Lagi lang niya tatandaan na, hindi ko man 'to nasasabi sa kanya lagi, pero sa kahit anong bagay nakasuporta ako lagi sa kanya. (Smiles)

"Ganun naman ako sa kahit kanino, mga kaibigan ko, pamilya ko, at si Bianca tinuturing ko siya bilang espesyal na tao sa buhay ko. Kaya alam na niya 'yun kung gaano siya kahalaga sa akin.”

Panoorin ang kabuuan ng video sa itaas.

Samantala, nakahalata naman si Bea Binene nang siya ang biktimahin ng fun-tastic duo kasama si Pepita Curtis para sa segment na "Na-TBATS Ka!"

Magpapanggap si Pepita Curtis na mayroong 35 katao na bibisita sa kanyang condo at hihingan niya nga maraming cake si Bea. Hindi pa siya natapos doon at humirit pa na dagdagan ito ng lasagna at adobo.

Bumigay kaya si Bea sa request ng komediyante bago malamang biktima pala siya ng isang prank? Panoorin dito:

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapus Mo, Jessica Soho.

IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians