What's on TV

Mygz Molino, 'di napigilang maging emosyonal sa paggunita kay Mahal

By Marah Ruiz
Published November 1, 2021 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Mygz Molino


Hindi napigilan ni Mygz Molino na mapaluha sa tribute episode ng 'The Boobay and Tekla Show' para sa yumaong si Mahal.

Isang espesyal na tribute episode ang inihanda ng late night comedy talk show na The Boobay and Tekla Show (TBATS) para sa yumaong komedyanteng si Mahal o Noemi Tesorero sa tunay na buhay.

Sa episode kabagi, October 31, ginunita ng TBATS hosts na sina Boobay at Tekla ang mga alaala nila kay Mahal kasama ang Mema Squad na binubuo nina Buboy Villar, Kitkat, Pepita Curtis, at Ian Red.

Guest din nila ang special friend ni Mahal na si Mygz Molino na hindi napigilang maging emosyonal habang ginugunita ang komedyana.

"Sobrang dami ko nang nami-miss sa kanya. Ang hindi mawala sa akin 'yung mga tawa niya, mga ngiti niya, 'yung mga pagbibigay niya ng kasiyahan sa amin, especially sa akin, pamilya ko, sa mga tao na sumusuporta sa kanya, saka siyemre 'yung mga galawan niya, mga halakhak niya,'yung lambing niya," pahayag ni Mygz na kinailangan ng ilang minuto para kumalma bago makapagsalita.

Hindi pa rin daw siya nakaka-move on mula sa pagkamatay ni Mahal.

"Ewan ko lang pero ang [sign] sa akin 'yung paru-paro, ngayon lang 'yun nangyari sa akin, tapos mga panaginip. Kahti sa bahay kasi lahat makikita mo siya eh--sa kuwarto, sa kusina, sa mesa. Kaya minsan hindi nako natambay sa bahay. Doon lang ako sa likod kasi naaalala ko palagi siya. Ang hirap niyang kalimutan eh, sobrang hirap niyang kalimutan. Hindi ako maka- move on pa sa nangyari sa kanya," ani Mygz.

Saksi naman daw si Buboy sa magandang relasyon nina Mygz at Mahal. Magkakasama kasi sila noon sa lock-in taping ng GMA Telebabad series na Owe My Love.

"Talagang sobrang sipag ni kuya Mygz. Kasi hindi naman nakakahakabang din talaga si Mahal ng hagdan so binubuhat pa ni kuya Mygz 'yun. Hanggang sa mag-pack up, ganoon din, lahat ng gamit," kuwento ni Buboy.

Matatandaang pumanaw si Mahal nitong nakaraang September dahil sa mga kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Panoorin ang buong panayam ng TBATS kay Mygz sa video sa itaas.

Samantala, tingnan ang ilang tribute ng celebrities noon pumanaw si Mahal:

Mygz Molino and Mahal