TV

Will Ashley, Bruce Roeland, at Radson Flores, magpapakilig sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano

Isang espesyal na Valentine's Day episode ang hatid ng inyong favorite late night habit, The Boobay and Tekla Show (TBATS), sa darating na Linggo (February 13).

Magsisilbing Cupid sina TBATS hosts Boobay at Tekla dahil tutulungan nila si “Darling,” na isang TikTok content creator at model, na mahanap ang kanyang Valentine date.

Sino kaya sa tatlong Kapuso heartthrobs ang mananalo sa kanyang puso? Si Darling ang magsisilbing searcher sa dating game na “Pusuan Na 'Yan!”

Tampok sa episode na ito sina Prima Donnas actors Will Ashley, Bruce Roeland, at Voltes V: Legacy star na si Radson Flores dahil kailangan nilang mapabilib si Darling upang maka-score ng Valentine date sa kanya.


Hindi naman magiging madali ang pagpili ng ating searcher dahil magtatagisan sa pagpapakilig sina Will, Bruce, at Radson.

Para mas maging nakakakilig, haharanahin nina AOS Queendom's Jennie Gabriel at Kapuso athlete John Vic De Guzman ng isang classic ballad ang ating searcher at ang tatlong Kapuso heartthrobs.

At siyempre bago magwakas ang masayang gabi, maglalaban ang Team Ganda, na binubuo nina Tekla, Boobay, Ian Red, Pepita Curtis, at Jennie Gabriel, at Team Pogi, na sina John Vic De Guzman, Will Ashley, Radson Flores, at Bruce Roeland sa nakakatuwang segment na 'Don't English Me.'

Exciting 'di ba? Tutukan ang fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.