TV

Dalawang teams, maglalaban sa 'Fiestalympics' ng 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano

Exciting ang episode ngayong Linggo (April 2) ng The Boobay and Tekla Show dahil tampok ang iba't ibang nakatutuwang laro.

Dalawang teams ang maglalaban sa “Fiestalympics” at sasabak sila sa iba't ibang masasayang games at challenges para sa pagkakataong manalo ng cash, trophies, at iba pang prizes.

Sa Fiestalympics, maghaharap ang Team Ganda, na binubuo nina All-Out Sundays' regular na si Jennie Gabriel at stand up comedians na sina Pepita Curtis at Ian Red, at Team Pogi, na binubuo nina Sparkle actors Manolo Pedrosa, John Vic De Guzman, at Buboy Villar.

Ang team na mayroong pinakamaraming points pagkatapos ng mga laro ay ang tatanghalin na kampeon ng Fiestalympics!

Sino kaya kina Team Ganda at Team Pogi ang magwawagi sa Fiestalympics?

Abangan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (April 2) sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang programa sa official Facebook page ng TBATS at YouTube channel ng YouLOL.

SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST MAY PA-PRESSCON EPISODES NG TBATS SA GALLERY NA ITO.