TV

Team Pogi, nagwagi sa 'Fiestalympics' ng 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano

Nasaksihan ang “Fiestalympics” sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (April 2) at tampok dito ang iba't ibang games at challenges.

Sa episode na ito, naglaban ang dalawang teams: ang Team Ganda na binubuo nina Jennie Gabriel, Pepita Curtis, at Ian Red, at Team Pogi na sina Kapuso actors Buboy Villar, John Vic De Guzman, at Manolo Pedrosa.

Matapos ang sumabak ang Team Ganda at Team Pogi sa iba't ibang laro, ang Team Pogi ay ang nakakuha ng pinakamaraming points at itinanghal na champion sa “Fiestalympics.”

Matatandaan na nagsimula ang “Fiestalympics” sa isang cheering competition sa pagitan ng two teams. Matapos ito, sumabak sila sa larong “Hipan Mo, Kandila Ko,” kung saan ang bawat team member ay mayroong suot na nude stocking sa ulo habang hinihipan ang kandila nang mabilis.

PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show


Sa “Ano'ng Ibig Sabihin Nito” naman, hinulaan ng teams ang mga salita at phrases na kaugnay sa mga piyesta at festival habang ang isang team member ay nagbibigay ng clues.


PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show


Sumalang din ang Team Pogi at Team Ganda sa “Blow by Blow,” kung saan hinanap nila sa pamamagitan ng pag-ihip ang P5 coin na nakatago sa platong puno ng harina.

PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show


Bukod sa mga champion, mayroon ding three special awards na natanggap ang ilang miyembro ng dalawang teams.

Si Pepita Curtis ang nakatanggap ng “Walang Ambag sa Team Award” habang si Jennie Gabriel naman ang nakakuha ng “Best in Sportswear.” Samantala, ang “MVP o Most Valuable Pabibo” ay si Manolo Pedrosa.

Natalo man ang Team Ganda, sila ay nakatanggap pa rin ng silver medals.

Patuloy na tumutok sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT SINA BOOBAY AT TEKLA AY KABILANG SA TOP COMEDIANS NG BANSA SA GALLERY NA ITO.