TV

Andrea Torres, 'fulfilled' tuwing umuuwi mula sa taping ng 'The Better Woman'

By Marah Ruiz

Inilarawan ni Kapuso actress Andrea Torres ang sarili bilang 'fulfilled' tuwing umuuwi siya mula sa taping ng kanyang upcoming GMA Telebabad series na The Better Woman kung saan co-star niya ang hunk aktor na si Derek Ramsay.

Andrea Torres


"Masaya! Every time na pumupunta 'ko ng taping, excited ako. Kahit na late kami matapos, happy pa rin ako. Umuuwi akong fulfilled," kuwento ni Andrea.

Isang malaking challenge din daw para sa kanya ang serye, lalo at medyo mabigat ang tema nito.

"Challenging siya talaga. Naiiba siya sa mga nagawa ko recently, though may pagkakaparehas din sa nagawa ko dati. Ibig sabihin, ang tagal ko nang hindi gumagawa ng ganito kabigat na character. Everyday, I'm learning," aniya.

Bukod dito, dalawa pa ang magiging role ni Andrea sa bago niyang soap.

"Ang ganda kasi nacha-challenge ka na maging magkaiba silang dalawa. At the same time, may breather ka. 'Pag masyado nang ma-drama 'yung isa, meron kang chance na medyo maglaro-laro naman doon sa isang character," bahagi niya.

Nilinaw din ni Andrea na talagang magkaiba ang dalawang karakter niya.

"Nakakatuwa din naman siya. Hindi lang siya basta maldita and mabait. Ang daming twist kasi sa bawat isa. Mabigat 'yung dalawang character," paliwanag ng aktres.

Abangan ang mainit na tambalan nina Andrea at Derek sa The Better Woman, malapit na sa GMA Telebabad.