advertisement
TV

IN PHOTOS: 'The Clash' Season 2 media conference

1 of 14

Media Conference

Winelcome nina (mula kaliwa) Ken Chan, Rita Daniela, Rayvery Cruz, Julie Anne San Jose, Aiai Delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista ang reporters na dumalo sa media conference ng 'The Clash,' na ginanap ngayong Martes, September 10, sa Amber Hall ng Hive Hotel sa Quezon City.

2 of 14

Garrett Bolden at Jong Madaliday

Bago pa man ipakilala ang hosts at judges, hinarana ng The Clash alumni na sina Garrett Bolden at Jong Madaliday ang audience sa pamamagitan ng pagkanta ng "Perfect," na pinasikat ng English singer-songwriter na si Ed Sheeran.

3 of 14

Golden Cañedo

Siyempre, may special number din ang 'The Clash' Season 1 grand champion na si Golden Cañedo. Na-impress ang entertainment media sa kanyang powerful rendition ng "Kailangan Kita."

advertisement
4 of 14

The Clash panel of judges

Sa pagbabalik ng all-original Filipino singing competition, mas magiging makilatis ang panel of judges, na binubuo nina Lani Misalucha, Aiai Delas Alas, at Christian Bautista.

5 of 14

Lani Misalucha

Proud lola ang Asia's Nightingale kaya naman inawit niya ang kantang "Timeless," na dedicated sa kanyang apat na apo.

6 of 14

Christian Bautista

Nakakakilig naman ang performance ng Asia's Romantic Balladeer na umawit ng isang medley.

advertisement
7 of 14

Aiai Delas Alas

Dinala ni Aiai ang kanyang pagka-komedyante sa mediacon, Biro niya, dapat daw ay kakanta rin siya ngunit nanakaw ang kanyang flash drive.

8 of 14

The Clash hosts

Sa pagsisimula ng bagong season ng 'The Clash,' may bago rin tayong makakasama tuwing Sabado at Linggo ng gabi. Excited na ang 'Studio 7' stars na sina Ken, Rita, Rayvyer, at Julie na makilala ang Top 64 clashers na maglalaban-laban.

9 of 14

Journey hosts

Nagkaroon ng kilig-duet ang RitKen sa kantang "Kaba" ni Roselle Nava.

Related:

IN PHOTOS: JuliVer, RitKen gear up for 'The Clash'

advertisement
10 of 14

Ken Chan

Bilang 'The Clash' journey host, puso raw ang paiiralin ni Ken para i-encourage ang Clashers.

11 of 14

Rita Daniela

Proud naman si Rita na maging journey host ng 'The Clash' dahil galing din siya sa isang singing competition, ang dating "PopStar Kids" (2005), kung saan itinanghal siya bilang grand champion.

Related:

Ken Chan at Rita Daniela, bagong journey hosts ng 'The Clash'

12 of 14

Clash Masters

Kakaibang musical experience ang hinandog nina Rayver at Julie para sa kanilang audience. Pinerform nila ang kantang "Malibu Nights" ng LANY.

Related:

CONFIRMED: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are the new 'The Clash' Masters

advertisement
13 of 14

Julie Anne San Jose

Mula Asia's Pop Sweetheart, Asia's Pop Diva na ngayon ang titulong ibinigay kay Julie. Aniya, hindi madaling panindigan ang ganitong label kaya all-out siya pagdating sa kanyang craft.

Related:

Julie Anne San Jose, dream come true ang pagho-host ng 'The Clash'

14 of 14

Rayver Cruz

Bumilib naman si Rayver sa kanyang partner na si Julie dahil sa pagiging down-to-earth nito.