TV

WATCH: Regine Velasquez, excited nang mapanood ng mga Kapuso ang 'The Clash'

By Bea Rodriguez

Malapit nang mapanood sa GMA ang pinakabagong reality singing competition sa bansa, ang The Clash.

Ang host ng show na si Asia’s Songbird Regine Velasquez ay ang mismong naglibot ng Pilipinas para ma-discover ang next solo singing superstar ng Kapuso network.

Dinagsa ang audition venues ng The Clash, “We went to different key cities [in] the Philippines. We went to Davao, Baguio, Cebu, and of course, here in Metro Manila. We’ve auditioned [many artists] talaga. Ang dami nilang nakapasok [at] marami naman tayong nakuha.”

Ready na si Ate Reg at ang kanyang mga co-hosts na sina Andre Paras at Joyce Pring, pati na ang panel of judges na sina Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista. 

Malapit na iyan kaya tutok lang, mga Kapuso!

Video courtesy of GMA News