TV

WATCH: 'The Clash' battle nina RJ Buena at C-Jay Garcia, pinag-uusapan online!

By Bea Rodriguez

Hot topic online ang The Clash battle nina RJ Buena, 30, at C-Jay Garcia, 21. Breathtaking ang version ni RJ ng hit song ni Roselle Nava na “Dahil Mahal Na Mahal Kita” habang binigyan ni C-Jay ng kanyang sariling style ang “Reflections.”

 

 

Natanggal si C-Jay habang iprinoklamang Top of The Clash si RJ. Halo-halo ang reaksyon sa resulta ng labanan.

May mga netizens nagsasabing good looks ng Kapampangan singer ang nagdala sa kanya sa Top of The Clash pero mas deserving raw ang Davaoeño dahil sa kanyang kakaibang estilo sa pagkanta.

 

 

Magkakaroon kaya ng wildcard ang kumpetisyon? Subaybayan tuwing Sabado at Linggo sa The Clash!