TV

Final callback screening ng 'The Clash,' inilunsad na

By Jansen Ramos

Hindi alintana ng The Clash hopefuls ang maulang panahon para makadalo sa final callback ng all-original Filipino singing competition ng GMA.

Sa daan-daang nag-audition mula sa iba't ibang panig ng bansa at maging sa Brooklyn, New York, isang daan ang napiling makapasok sa final screening na inilunsad noong August 2 sa Studio 1 ng GMA Network.

Listahan ng qualified auditionees para sa 'The Clash' Season 2 final callback, inilabas na!

The Clash

Para sa Luzon auditions, apat ang pinalad na nakapasok sa final callback mula Pangasinan at anim mula Batangas.

Sa Visayas naman, 14 na auditionees mula sa Cebu ang nakaabot sa final screening, lima mula sa Bacolod, at isa mula sa Iloilo.

At para sa Mindanao auditions, 24 ang may tsansang makapasok sa Top 64 ng The Clash.

Samantala, pinakamarami ang nakapasok mula sa Metro Manila auditions na may bilang na 34, at dalawa naman mula sa Brooklyn, New York auditions.

Hndi pa man inaanunsyo kung sinu-sino ang maseswerteng nakapasok sa Top 64 ng The Clash, may kanya-kanyang bets na ang netizens.

Abangan ang pagbabalik ng The Clash, malapit na sa GMA!