TV

WATCH: Advice ni Golden Cañedo sa 'The Clash' Season 2 contestants

By Cara Emmeline Garcia

Bilang kauna-unahang 'The Clash' Grand Champion, hindi maiiwasan ng press na tanungin si Golden Cañedo kung anu-ano ang kanyang advice para mag-wagi sa singing competition.

Golden Cañedo

At para kay Golden, simple lang ang kanyang payo.

“Kailangan lang po nilang magtiwala sa sarili nila na kaya po nila,” aniya kay 24 Oras reporter Nelson Canlas.

Payo naman ni The Clash Grand Master Rayver Cruz, “Hindi naman mawawala 'yung kaba, 'di ba? Pero paano mo gagamitin 'yung kaba na yun into something positive?

“Paano mo ipapakita sa kanila na kapag kumanta ka na... kasi nandito ka na e. Parang, mas gusto ko ito, gusto ko ito.”

Magsisimula ang The Clash Season 2 ngayong September 21.

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

WATCH: Ano ang hanap nina Lani, Aiai, at Christian sa 'The Clash' Season 2 contenders?

IN PHOTOS: 'The Clash' Season 2 media conference